SSG Corner

FREEDOM WALL

UPCOMING PROGRAMS AND ACTIVITIES

Marami ng mga mag-aaral ang nakikilahok sa bagong programa ng SSG na "What's on your mind?" Ang layunin ng programang ito ay imulat at hingiin ang reaksyon ng mga mag-aaral ukol sa mga isyu sa ating bansa. Halimbawa na lamang ang isyu tungkol sa ating pambansang awit na lupang hinirang. Ayon sa batas sa ilalim ng house bill no.5224 ang sinumang hindi kumanta ng maayos sa ating pambansang awit ay pagmumultahin ng 50-100,000 piso. Payag ka ba o hindi? at bakit? yan' ang tanong na sinasagot ngayon ng mga mag-aaral ng TNHS Acacia Annex. Lamang ang may pakialam.
#SSGWHAT'SONYOURMIND?

 

SCHOOL YEAR 2017-2018

ISANG BALLPEN, ISANG PAPEL

Katuwang ang ilan sa mga miyembro ng SLDP o Student Leadership Development Program, ay naipamahagi na ng SSG ngayong unang araw ng pasukan ang mga ballpen, notebook at papel sa lahat ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang ng Tinajeros National High School Acacia Annex.
Lubos ang aming pasasalamat sa SLDP dahil sa kanilang programang inilunsad na "Isang ballpen,isang papel" na naglalayon ngang mamahagi ng mga nasabing kagamitan para sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang.
Muli rin naming ipinaabot ang aming pasasalamat sa mga mag-aaral mula sa ibang mga baitang na nagbigay ng ballpen at papel, gayundin sa mga taong nagbigay ng tulong pinansyal upang makabili ang SSG ng mga dagdag na notebook.
Naway makatulong ang mga kagamitang ito sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral ng ikapitong baitang sa ating paaralan. 
Hangad namin ang kabutihan ng bawat isa!

MGA NAGWAGI PARA SA STAR SECTION JAR

ANNOUNCEMENT!
STAR SECTION

1.Ang lahat ng pangkat sa bawat baitang ay maghahanda ng kani-kanilang ‘STAR SECTION JAR’. Ito ay kinakailangang ipasa hanggang Hunyo 15, 2017, Huwebes sa mga opisyal ng SSG.

2.Ang pamantayan na susundin sa pagpili ng pinakamaganda at maayos na Star Section Jar ay:

Pagkamalikhain ( Creativity) - 50%
Pagkamapamaraan sa materyales na ginamit (Resourcefulness) - 50%

3.Ang mga ‘STAR SECTION STAR’ ay magmumula sa tagapayo at mga opisyal ng SSG. Ito ay may tatak na magsisilbing patunay na ito ay nagmula sa SSG.

4.Ang bawat ‘Star Section Star’ ay may katumbas na puntos. Ang bawat aktibidad o patimpalak na sasalihan o mapapanaluhan ng pangkat ay may katumbas na ‘Star Section Star’

Kulay Puntos Aktibidad/Patimpalak 
Red 1 Partisipasyon (Patimpalak} 
Orange 2 Malinis o maayos na silid-aralan (Kada Asignatura) 
Yellow 4 Presentasyon ng WWW 
Green 6 Pinakadisiplinadong pangkat (Kada Markahan) 
Blue 8 Ikatlong Puwesto (Patimpalak) 
Indigo 10 Ikalawang Puwesto (Patimpalak) 
Violet 15 Unang Puwesto (Patimpalak)

Ang SSG ang responsable sa pagbibigay ng puntos para sa mga aktibidad na maaaring ipatupad sa paaralan na hindi makikita sa hanay.

5.Maaaring isa o buong pangkat ang sumali sa aktibidad o patimpalak upang makatanggap ng ‘Star Section Star’.

6.Ang presidente ng klase ang dapat na mangalaga sa ‘Star Section Jar’. Maari niya itong iuwi upang panatilihin ang kaayusan at seguridad ng Jar.

7.Ang pagpili sa “Star Section” ay isa sa bawat baitang o grade level.

8.Ang paggawad sa may pinakamaraming ‘Star Section Star’ o puntos ay paparangalan sa katapusan ng markahan. Ang mananalo ay ang tatanghaling ‘Star Section’ na makakatanggap ng isang medalya para sa kanilang gurong tagapagpayo, mga sertipiko para sa bawat isa, at sertipiko para sa kanilang pangkat.

CONGRATULATIONS PO SA 8-1 AT 7-1!

ACACIA ANNEX DANCE TROUPE AUDITION

Masayang nagdaos ang Acacia Annex ng paghahanap ng bagong miyembro ng TNHS- ACACIA ANNEX DANCE TROUPE sa pamumuno ng SSG at Presidente ng dance troupe. Personal na nagpapasalamat ang SSG sa mga sumubok na makapasok sa club na ito, nawa'y buong pusong matanggap ang desisyon ng mga judges. Muli kami ay nagpapasalamat sa inyong lahat!!!

"Isang indak, Isang grupo, para sa pagkakaisang Acacians!"

SCHOOL YEAR 2016-2017

IKA-20 ANIBERSARYO NG KAMATAYAN NI DR. JOSE RIZAL

Tuwing ika-30 ng Disyembre, ginugunita ang araw ng kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Kaya naman ang Baranggay Tugatog ay nakiisa sa paggunita ng araw na ito, katulong ng Knights of Columbus. Kahit na nagkaroon ng maliit na antala ang programang ito ay hindi ito naging dahilan upang hindi ipagpatuloy. Saktong 7:30 ng umaga ay sinimulan ang programa. Sa pangunguna ni ng Baranggay Captain na si Edna Valenzuela, sinimulan ang programa sa ilang presentasyon ng ilang paaralan. Sumunod ay ang pagpapakilala ng bawat paaralan. Natapos ang programang ito ng saktong 9:00 am.
Ang paglahok na ito ng SSG officers ay pakikiisa sa buong bayan para gunitain ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Kami ay naniniwalang hindi dapat kalimutan ang mga ginawa niya para sa ating kalayaan.

ANTI-DRUG AND SMOKING CAMPAIGN

Ang layunin ng Anti-Drug Smoking Campaign ay ang maipaalam sa mga estudiyante ng paaralang TinajerosNational High School-Acacia Annex kung ano ang masasamang maidudulot ng paggamit ng ipinagbabawal na droga at paninigarilyo. Ang Anti-Drug and Smoking Campaign ay isinagawa sa loob ng dalawang araw(Nob. 18-21,2016). Bago pa man isagawa ang Anti-Drug and Smoking Campaign ay naghanda ang mga SSG officers ng kanilang mga visuals na gagamitin. At pinahati-hatian ito ng mga SSG officers upang maayos na maihayag ang layunin ng kampanya para sa lahat ng mag-aaral ng Tinajeros National High School-Acacia Annex.

Nobyembre18,2016. Ito ang unang araw ng kampanya. Sinimulang pumasok sa bawat classroom ng mga pang-umaga. Ang panimulang bati ay sinimulan ni Jessie M.Cobangban g(SSG President) kaakibat ang pagpapahayag nito sa mga mag-aaral ang tunay na layunin ng kampaya. Matapos ang panimulang bati, Isa-isang pumunta sa harapan ang mga SSG officers at inihayag ang kanilang mga dapat na ihayag gaya ng kung ano ang iba't-ibang uri ng droga, mga kemikal na nilalaman ng isang sigarilyo, kung ano ang masasamang epekto, ano ang mga negatibong maidudulot, paano ito maiiwasan at iba pag mga paaala sa paggamit ng ipinagbabawal na droga at pannigarilyo. Maayos na nakinig at nagbigay kooperasyon ang mga mag-aaral sa bawat klasrum, at maayos na winakasan ng SSG President na si Jessie M. Cobangbang ang kampanya. Sa makatuwid, ang kampanya sa unang araw ay maayos at matiwasay na naisagawa.
Sa pangalawang araw naman ng kampanya ( November 21,2016 ) ay isinagawa ang kampanya sa lahat naman ng mag-aaral ng panghapon. Gaya sa unang araw ng kampanya ang panimulang bati ay sinimulan ni Jessie M. Cobangbang (SSG President) kaakibat ang pagpapahayag nito sa mga mag-aaral ang tunay na layunin ng kampaya.
At nagpauloy ang pagpapahayag at pagpapaliwanag ng mga SSG officers patungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot at sigarilyo. Sa makatuwid, ang pangalawang araw ng kampanya ay maayos at matiwasay na isinagawa.

PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA BAYANI

Ang Supreme Student Government ay nakiisa sa Social Studies Department sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani. Ang programa ay ni-launch noong ika-22 ng Agosto 2016. Ito ay naglalayon upang muling gunitain ang kabayanihan ng ating mga bayani. Ang Social Studies Department ay nagsagawa ng iba’t-ibang palaro kung saan ay maaaring lahukan ng mga mag-aaral. Ang SSG officers naman, bilang pagtulong sa nasabing Department ay nagpaskil ng mga infographics. Natapos ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani na muling naalala ng mga mag-aaral ang pagmamahal ng mga bayani sa ating bayan.

AUTISM AWARENESS

Ang layunin ng Supreme Student Government sa pagsasagawa ng proyektong Authism awareness ay dahil sa kadahilanang upang mas makapagbahagi ng impormasyon ukol sa ganitong sitwasyon, maging mas bukas o magkaroon ng kaalaman ang mga estudyante sa palaganap ng ganitong kapansanan sa ating bansa.
Noong ika-23 ng Pebrero sa taong 2017 sinimulan ang paglalagay ng Infographics na may kauganayan sa pagbibigay kaalaman sa patuloy na paglaganap ng ganitong sitwasyon. Ito ay sa pagtutulong tulong ng SSG Officers sa pagkakabit ng mga Infographics sa bawat palapag ng ating paaralan.

SSG BATTLE OF THE BRAINS (ELIMINATION ROUND)

Noong ika-17 ng Pebrero kami ay nagsagawa ng elimination round para sa mga nagnanais sumali sa Battle of the Brains. Ang elimination round namin ay binubuo ng mga katanungan na nagmula sa iba’t ibang aasignatura ng bawat antas Mayroon kaming limang katanungan para sa easy round na may katumbas na isang puntos bawat tamang sagot.. Limang katanungan sa average round kung saan may katumbas na tatlong puntos bawat tamang sagot. Limang katanungan din sa difficult round na walang pagpipiliang sagot kung kaya ito ay may katumbas na limang puntos bawat tamang sagot. Kinuha namin ang unang lima na nagkamit ng pinakamatataas na puntos sa bawat baitang. Pagkatapos ay bumuo kami ng limang grupo sa pamamagitan ng pagbunot upang mapanatili itong patas. Binubuo ito ng isang estudyante sa bawat baitang mula ika-pitong baitang hanggang ika-11. Ang limang grupo na ito ay maglalaban-laban sa finals. Nalaman ng mga nanalo ang kanilang grupo sa pamamagitan ng kanilang pagbisita sa facebook page ng SSG.
Ang sumusunod ay ang mga nagwagi sa elimination round. Nagkaroon ng bunutan para matukoy kung sinong mga mag-aaral ang magkakasama sa pangkat.

Group 1:
Janelle Kaye B. Agato (7-1)
Jever Boy D. Salcedo (8-2)
Desiree Palaya (9-1)
Seymond Earl M. Zara (10-1)
Annaliza Fe E. Abordo (11:GAS-B)
Group 2:
Ara Mae B. Villamor (7-4)
Jessa D. Alviar (8-2)
Ivan Joseph S. Oquias (9-1)
Erica Mae E. Napolitano (10-2)
Jeffrey G. Fostanes (11:GAS-A)
Group 3:
Mc Daniel P. Lauzon (7-2)
Rafael Jose B. Alcantara (8-1)
Christian Kyle V. Valerozo (9-1)
Ejed May M. Cruz (10-1)
Kimberly Dorado (11:ABM)
Group 4:
Rodjnelle D. Alvez (7-1)
Kyle Jhon C. Saz (8-2)
Giani Elester P. Sapitula (9-1)
Raven Nicole D. Morales (10-2)
Keith Anjannette Villas (11:GAS-B)
Group 5:
Liezel T. Bacho (7-2)
Lovely C. Cotanda (8-1)
Vincent Gutierez (9-1)
Glenny F. Basa (10-1)
Shirly Ann Sianson (11:ABM)

SSG BATTLE OF THE BRAINS (FINALS)

Noong ika-24 ng Pebrero naganap ang Final Round para sa mga nagwaging top five per Grade 11. Kung saan sila ay itinalaga sa kaniya kaniyang grupo na kasama nila sa pagsagot ng bawat katanungan na ibibigay at ito ay nahahati sa limang pangkat. Ang Final Round ay nagsimula sa isang dasal na pinamunuan ng SSG President na si Jessie M. Cobangbang at agad na tumungo sa mechanics na kaniya ring ipinaliwanag. Sinimulan ang mismong quiz bee sa Easy Round kung saan ang kanilang puntos ay halos pantay pantay lamang. Sa Average Round ay namuno ang Pangkat Dalawa na sinundan ng Pangkat Lima. At sa Final Round ay nagtalaga na ng 1st Place at 2nd Place ngunit sa 3rd Place ay nagtunggali ang Pangkat 2 at 3 dahil sa parehong puntos. Umabot sa halos 5 tanong ang Tie Breaker Round ngunit matapos ng ilang mga katanungan ay nakuha ng Pangkat Dalawa ang 3rd Place. Ito ang nakuhang puwesto ng bawat pangkat:

1st Place:CHAMPION
Group 5:
Liezel T. Bacho (7-2)
Lovely C. Cotanda (8-1)
Vincent Gutierez (9-1)
Glenny F. Basa (10-1)
Shirly Ann Sianson (11: ABM)

2nd Place
Group 1:
Janelle Kaye B. Agato (7-1)
Jever Boy D. Salcedo (8-2)
Desiree Palaya (9-1)
Seymond Earl M. Zara (10-1)
Annaliza Fe E. Abordo (11: GAS-B)

3rd Place:
Group 2:
Ara Mae B. Villamor (7-4)
Jessa D. Alviar (8-2)
Ivan Joseph S. Oquias (9-1)
Erica Mae E. Napolitano (10-2)
Jeffrey G. Fostanes (11: GAS-A)

BREAST CANCER AWARENESS

Ang layunin ng proyektong ito ay magbigay ng paalala patungkol sa kanser na nararanasan ng kababaihan upang matutukan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang sakit na ito.
Kaya naman ang SSG ay hindi nagpahuli sa pakikiisa sa pagpaskil ng mga infographics upang makiisa sa nasabing programa. Ang paglalagay ng infographics ay sinimulan ng mga opisyal ng SSG sa ika-23 ng Pebrero sa bawat palapag ng gusali ng paaralan.
Hindi alintana kung ang proyekto ay tumagal at ito ay naisagawa na sa buwan ng Pebrero, Ang mahalaga ay nakapagbigay paalala sa bawat kababaihan na tutukan ang kanilang mga kalusugan at ganitong sakit ay maiwasan.

SSG VALENTINE’S BOARD

Ang Supreme Student Government ay nagdisenyo ng dalawang Valentine's Board bilang pakikiisa sa Araw ng mga Puso noong ika-14 ng Pebrero 2017.Ito ay inilagay sa tabi ng canteen nang sa gayon ay madaling makita at mapuntahan ng mga estudyante sa oras ng kanilang recess. Ang proyektong ito ay naglalayon na maging masaya ang mga mag-aaral sa paaralan ng Tinajeros National High School- Acacia Annex sa buong buwan ng Pebrero. Noong araw na ding iyon, ang mga mag-aaral ay nagsimula ng magsulat sa mga maliliit at makukulay na papel at idinikit sa Valentine's Board. Gamit ito, ay nagawa ng mga estudyante na sumulat ng mensahe para sa kanilang hinahangaan. Halos mapuno na ang board sa unang araw pa lang. Lumipas ang ilang linggo at unti-unting nang nasisira ang dinisenyuhang board, ngunit ito ay patuloy na inaayos at iniingatan ng mga SSG officers nang sa gayon ay mapakinabangan ng mga mag-aaral sa buong buwan ng Pebrero.

COACHING SESSION: PREPARING YOUR RESEARCH PROPOSAL

Ang Supreme Student Government katuwang ang kanilang Adviser na si G. Mark Alvin Cruz , isang Senior High School Teacher, ay nagsagawa ng isang Research Coaching o pagtuturo sa mga Senior High Students. Nagsimula ang pagtuturo noong ika- 16 hanggang ika-17 ng Enero 2017. Ang pagtu-tutoro sa mga Senior Students ay nakatakda sa loob ng dalawang araw. Ang layunin ng proyektong ito ay upang gabayan ang mga mag-aaral sa Senior High sa paggawa ng kanilang Research Paper. si G. Angelo Espiritu, isang guro sa Tinajeros National High School- Main, ang naimbitahan upang magsilbing tagapagturo ng mga ito upang magabayan sa paggawa ng isang Research Paper. Ang ginawang pagtuturo sa mga Senior High Students ay naging matagumpay dahil sa estilo n

a makaka "relate" ang mga estudyante. Dahil sa matagumpay na dalawang araw ng pagtuturo sa mga senior students , sila ay mayroon ng baong kaalaman na magiging gabay sa paggawa ng kanilang research paper.

ENVIRONMENTAL AWARENESS CAMPAIGN

Ang layunin ng Environmental Awareness Campaign, ay maipaalam sa bawat mag-aaral ng paaralang Tinajeros National High School-Acacia Annex ang kahalagahan ng ating kalikasan at kapaligiran. Bukod dito nais din ng kampanyang ito na maging alerto ang lahat sa tamang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan, pagbibigay kaalaman sa bawat mag-aaral at ang mga maaaring maging masama o mabuting epekto nito sa atin.
Noong ika-23 ng Enero ay sinimulan ang paglalagay ng mga infographics na may kaugnayan patungkol sa kahalagahan ng ating kalikasan at kapaligiran. Ito ay ginawa sa pagtutulong-tulong ng mga opisyal ng SSG na ikabit sa bawat palapag ng mga gusali sa paaralan ng Tinajeros National High School-Acacia Annex.
Ang paglalagay ng mga infographics patungkol sa Environmental Awareness Campaign, maayos na naisagawa mula sa paglalagay hanggang sa ito ay mapalitan. Samakatuwid ang kampanya ay maayos at matiwasay na naisagawa.

ENGLISH SPEAKING CAMPAIGN

Ang Supreme Student Government ay nagpatupad ng isang proyekto na English Speaking Campaign. Ito ay sinimulan noong ika-9 ng Enero 2017. Ang proyektong ito ay naglalayon na magbigay ng kaalaman sa amin at sa aming mga kapwa kamag-aral ukol sa ilang mahahalagang impormasyon na makatutulong sa kanila upang maging bihasa sa pagsasalita ng Ingles.
Nagpaskil ang SSG Officers ng mga printed material na naglalaman ng tamang bigkas ng mga salita sa nasabing wika. Ang proyektong ito ay nakatulong sa kahit na maliit na paraan upang mapaunlad at mapagyaman ang kaalaman ng mga estudyante sa wikang Ingles. Naniniwala ang SSG na nakatulong ang impormasyong aming ipinakita sa bulletin board para maging bihasa sila sa pagsasalita ng Ingles.

TAKE THE HISTORY CHALLENGE (TALAS TALINO)

Upang ipagdiwang ang Buwan ng Kasaysayan ay gumawa ng isang proyekto ang SSG para mahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. Ang Take the History Challenge ay naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysayan at nakaraan ng ating bayan.
Kami ay gumawa ng materyales kung saan nakadikit ang katanungan (ang katanungan ay may kaugnayan lamang sa asignaturang araling panlipunan), binubuo rin itong apat na kahon na naglalaman ng iba’t ibang mga posibleng sagot. Mayroon ditong double adhesive tape na maliliit sa tabi ng mga kahon na nakalaan para idikit sa kanilang mga barya, inihulog nila ito sa kaabikat na kahon ng kanilang napiling sagot. Pagkatapos ay bumunot ang SSG sa kahon na may tamang sagot ng mag-aaral na makatatanggap ng sertipiko na naglalaman ng limpumpiso na maaaring magamit sa katina. Ang mga nanalo rin ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagdirikit ng kaniyang pangalan kaakibat ang patimpalak na kaniyang napanalunan sa mga piling sulok ng paaralan.

HUMAN RIGHTS WEEK

Ang Human Rights Week ay ginugunita tuwing ika-10 ng Desyembre bilang pagaalala sa saindaigdigang pagdedeklara ng United Nations sa Human Rights. Nagpaskil ang SSG ng infographics patungkol sa programang ito upang patuloy paalalahanan ang lahat ng mag-aaral sa Karapatang Pantao na dapat na matamasa ng lahat. Layunin ng gawaing ito na maipaalam sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng karapatang pantao na mayroon tayo. Mahalagang maikintal sa kanilang isipan na hindi maaaring alisin o abusuhin angating mga karapatang pantao. Kahit na hindi ito madalas na makita ng magaaral ng Acacia ay may ilan pa rin namang nagnanais na basahin ito.

ARAW NG KALAYAAN

Ang layunin ng proyektong ito, ay mai-paalam sa lahat ng estudiyante ng Tinajeros National High School-Acacia Annex ang mga bagay na may kaugnayan sa paggunita sa Araw ng Kalayaan. Layunin din nitong maipakita ang kahalagahan nito.
Bago isagawa ang Selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, ang mga opisyal SSG nagsagawa ng pag-pupulong noong Hunyo 6, 2016 ganap na ika-1 ng hapon sa Tugatog Sports Complex upang magplano para sa selebrasyong gaganapin. Sila ay nagsimulang gumawa ng mga banners at mga infographics noong ika- 7 ng hunyo hanggang ika-12 ng parehas na buwan. Ika-13 ng hunyo naman ganap na ika-6 ng umaga, unang araw ng pasok ng mga estudyante ay agad na inasikaso ng mga opisyal ng SSG ang pagpapaskil ng mga infographics sa bawat pader ng paaralan, paglalagay ng dalawang malaking banner at pagpapa-alam sa mga estudyante ng paaralan ng Tinajeros National High School Acacia- Annex na magdala ng mga watawat ng Pilipinas para sa gagawing flag display. Sa sumunod na araw ay agad na kinolekta ng mga SSG Officers ang mga watawat na dinala ng mga estudyante at ito ay kinabit sa mga pader ng paaralan.
Samakatuwid, maayos na nailunsad ang proyektong ito na nakatulong sa lahat ng mag-aaral upang sila’y magkaroon ng kaalaman atungkol sa Araw ng Kalayaan.

4TH DIVISION LEADERSHIP TRAINING SEMINAR FOR SSG/SPG AND ADVISERS

Noong ika-29 ng Hulyo, ay nagsagawa ng leadership training kung saan ang mga Presidents at Mayor ng bawat SSG/SPG ng high schools at elementary school ay imbitado, na ginanap sa San Fernando, Pampanga sa Villa Alfredo’s Resort. Ang layunin ng proyektong ito ay matulungan ang bawat pinuno ng iba’t ibang paaralan na matulungan ang kanilang mga sarili upang mapaunlad ang sariling kakayahan para maging lider ng kanilang samahan. Ang mga principal ng ilang school ay nakilahok at sumama upang suportahan ang mag-aaral. Ilan sa mga SSG/SPG Advisers ay nagsagawa at naghanda ng kanilang pananalita at gawain na kanilang ipinagawa sa mga SSG/SPG.
Bawat laro at gawain na kanilang isinagawa ay may kaugnayan sa pagiging isang epektibong pinuno na nagbigay kasiyahan din sa bawat isa. Bawat guro na nagbibigay ng kanilang pananalita siniguro na ang kanilang mga tagapakinig ay tunay na may natutunan at bagong nalaman, kaya naman ang kanilang mga natapos na gawain ay agad nilang ipinapasa. Ang programang ito na pinamunuan ni Ginoong Ernest Joseph Cabrera ay lubos na nagbigay kasiyahan sa bawat isa at nakatulong sa pagiging isang tunay na pinuno. Ang seminar na ito ay tumagal hanggang ika-30 ng Hulyo.

ANIBERSARYO NG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR

Ang proyektong ito ay naglalayong mai-paalam sa lahat ng mag-aaral ng Tinajeros National High School Acacia Annex ang patungkol sa paggunita ng Anibersaryo ng Deklarasyon ng Batas Militar upang magkaroon ng dagdag kaalamn ang bawat estudiyante patungkol sa nasabing proyekto.
Ang bawat opisyal ng SSG ay nag-ugnayan upang makakuha ng iba't-ibang impormasyon patungkol dito. Isinagawa ang paglalagay ng mga infographics sa bawat palapag ng gusali sa ika-21 ng Setyembre taong 2016. Ang mga infographics na ito ay may nagkaroon ng malaking gampanin sapagkat ito ang nagsilbing tagabigay impormasyon sa lahat ng estudiyante patungkol sa paggunita sa Anibersaryo ng Deklarasyon ng Batas Militar. Nilalaman ng mga infographics na ito ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa Batas Militar na dapat mabatid ng mga kabataan ngayon.
Sa kabuuan, Maayos na nailagay ang mga infographics na nakatulong at nakapagbigay impormasyon sa lahat ng mag-aaral ng paaralang Tinajeros National Highschool Acacia Annex. Samakatuwid, ang proyektong ito ay maayos at matiwasay na nailunsad.

PAGPAPAKILALA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG SSG

Ang layunin ng programang ito ay maipaalam sa mga mag-aaral ng THHS-Acacia Annex ang mga bagong naihalal sa puwesto bilang Supreme Student Government.
Nasimulang pormal na ipinakilala ang mga bagong halal bilang SSG Officers sa mga mag-aaral ng TNHS-Acacia Annex sa mga pang-umaga noong Hunyo 13, 2016 sa oras ng kanilangt flag ceremony at sa mga pang-hapon nama’y ay noong Hunyo 17, 2016 sa kanila ring flag retreat. Naging maganda ang naidulot ng pormal na pagpapakilala ng mga bagong halal na SSG Officers sapagkat nakilala at nalaman ng mga estudyante ang mga bagong halal na SSG Officers.

TALAS TALINO

Kami ay gumawa ng materyales kung saan nakadikit ang katanungan (ang katanungan ay may kaugnayan sa iba’t ibang asignatura), binubuo rin ito ng apat na kahon na naglalaman ng iba’t ibang mga posibleng sagot. Mayroon ditong double adhesive tape na maliliit sa tabi ng mga kahon na nakalaan para idikit sa kanilang mga barya, inihulog nila ito sa kaabikat na kahon ng kanilang napiling sagot. Pagkatapos ay bumunot ang SSG sa kahon na may tamang sagot ng mag-aaral na makatatanggap ng sertipiko na naglalaman ng limpumpiso na maaaring magamit sa katina. Ang mga nanalo rin ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagdirikit ng kaniyang pangalan kaakibat ang patimpalak na kaniyang napanalunan sa mga piling sulok ng paaralan. Masasabing sa pamamagitan ng programang ito ay natulungan namin ang mga mag-aaral na madagdagan ang kanilang kaalaman patungkol sa iba’t ibang asignatura. Ito rin ay nagbigay sa kanila ng kagalakan dahil sa palarong uri ng patimpalak na ito at sa premyo na maaari nilang makuha.

LOST AND FOUND BOX

Ang programang ito ay binuo upang ang mga estudyante ng nawawalan ng ano manggamit ay maaari nila itong matagpuan sa ating Lost and Found box.
Nagsimulang ipaalam ng SSG officers ang tungkol sa proyektong Lost and Found sa mga mag aaral ng TNHS-Acacia Annex sa mga pang-umaga noong Hulyo 2, 2016 sa oras ng kanilang Flag Ceremony at sa mga pang hapon nama’y na ipaalam ang tungkol sa proyektong ito noong Hulyo 6, 2016. Naging mahalagang bahagi ng buhay mag-aaral sa paaralan ang Lost and Found Box. Maraming insidente ang aming naitala na nahanap ng mga mag-aaral ang kanilang mga kagamitan dito. Ipinapakita rin ng programang ito ang pagiging matapat ng mga mag-aaral ng Acacia Annex. Naging bahagi na rin ng kanilang sistema ang pagbabalik ng mga gamit na kanilang natagpuan sa Lost and Found Box.Sa kabuuan,maayos at matagumpay na naipaalam sa mga mag-aaral ng TNHS-Acacia Annex ang patungkol sa proyektong ito.

NINOY AND CORY COMMEMORATION WEEK

Ang Supreme Student Government ay naghanda ng isang video presentation tungkol sa mag-asawang Ninoy at Cory Aquino. Ang layunin ng proyektong ito ay upang alalahanin ang isa sa tinaguriang bayani ng demokrasya ng ating bansa na si former Senator Benigno “Ninoy “ Aquino Jr. at ang asawa nitong si Corazon Aquino na isinagawa noong Agosto 23, 2016 sa oras ng kanilang flag retreat , silay nanood ng isang maikling palabas patungkol sa mag-asawang Aquino.Sa kabuuan naging matagumpay na naisagawa ang pagalala kay Benigno “Ninoy “ Aquino Jr. at Corazon Aquino.

WORD OF WISDOM FOR TEENS

Madalas sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga suliranin o mga problema sa kanilang pag-aaral. Iba’t ibang problema ang maaring dumating sakanila na maaring maging dahilan ng kanilang pagsuko o humantong sa mga pangyayaring hindi inaasahan. Kaya’t ang Supreme Student Government ng Tinajeros National High School-Acacia Annex ay gumawa ng hakbang upang kahit papaano ay matulungan ang mga mag-aaral na nakararanas ng problema. At ito ang Word of Wisdom For Teens na inilunsad noong July 11,2016.
Ang WORD OF WISDOM FOR TEENS ay ang pagpo-post ng mga Bible Verse na malaki ang maitutulong dahil ang mga verses na ito ay mga maaaring solusyon sa mga problema ng mga mag-aaral na kadalasang kinakaharap. Naglalaman din ito ng kaunting pagpapaliwanag tungkol sa verse. Ito ay nakalagay sa bulletin board ng SSG sa tapat ng Computer Laboratory ng paaralan. Naglalayon itong makatulong sa mga mag-aaral at mapalapit ang mga kabataan sa salita ng ating Panginoon.

PRE- BRIGADA CAMPAIGN

Para sa paghahanda sa Brigada Eskwela 2016 ay isinagawa ang pagdaraos ng Pre-Brigada Campaign sa pangunguna ni Bb. Rochelle R. Illustrisimo upang imbitahan ang mga mag aaral at mga magulang na makiisa sa Brigada Eskwela sa paaralan ng Tinajeros National High School- Acacia Annex, at upang makalikom ng dagdag na pondo sa pamamagitan ng mga donation box para sa mga magulang o mga estudyante na magbibigay ng kahit kaunting donasyon. Ang Pre-Brigada campaign ay isinagawa ng 2 araw (May 25-26 2016 sa oras na 8 am - 10 am) kasama ang mga guro, ang kanilang Officer-In-Charge na si Mrs. Mary Ann Dy , SSG officers at ang mga mag aaral na boluntaryong nakiisa sa campaign.Sa Unang araw ng campaign ay nilibot nila ang Brgy. Acacia at nakalikom ng P780 pesos at nang ikalawa o huling araw ng campaign ay nilibot nila ang Brgy. Tugataog at nakalikom ng P 1,070 na donasyon at natapos ang campaign na may kabuuang P 1,850 ang donasyon na nalikom na sya ring maidadagdag sa pondo para sa Brigada Eskwela Dahil sa matagumpay na Pre-Brigada Campaign ay nasimulan ang Brigada Eskwela ng maayos.

SSG GENERAL ASSEMBLY

Ang SSG ay nagpatawag ng pagpupulong mula sa mga pangulo ng bawat klase mula ika-pitong baiting hanggang ika-11. Ang SSG General Assembly ay isa sa mga programang inaasahang gawin ng SSG. Ito ang pinakamataas na advisory body ng SSG kung saan ay mahalagang desisyon ang kanilang bubuuin. Mula sa kanila ay bumuo kami ng mga komite; Internal Affairs Committee, Secretariat, Finance Committee, Publicity Committee, Students' Welfare Committee and Special Projects Committee. Kami ay nagsagawa rin ng mga pagpupulong kung kinakailangan. Ang mga komiteng ito ay malaki ang naitulong sa Executive Committee sa mga piling Gawain o patimpalak na inorganisa ng SSG. Masasabing naging kagamit-gamit ito, dahil bukod sa malaking bahaging naiambag nila sa SSG ay nahubog din ang kanilang mga abilidad sa pamumuno.

BRIGADA ESKWELA 2016

Ang Supreme Student Government ay nakiisa sa isinagawang Brigada Eskwela 2016 na ginanap noong ika- 30 ng Mayo hanggang ika-4 ng Hunyo 2016. Ang nasabing programa ay may temang: “Tayo Para sa Paaralan: Ligtas, Maayos at Handa Mula Kindergarten Hanggang Senior High School.”
Bago pa man isagawa ang Brigada Eskwela 2016 sa paaralan ng TNHS-Acacia Annex ay may mga paghahanda ng mga paghahandang isinagawa ang mga guro at ang administrasyon ng paaralan. Kasama sa paghahandang ito ang GPTA at SSG officers. Ang mga guro at iba pang staff ng paaralan ay tumulong para sa paghahanap ng mga magbibigay ng donasyon kasama ang nga GPTA officers. Isa sa mga paghahanda na isinagawa nila ay ang pagdadaos ng Pre- Brigada Campaign sa pamumuno ni Bb. Rochelle R. Illustrisimo upang imbitahan ang mga mag aaral at mga magulang na makiisa sa Brigada Eskwela sa aming paaralan, at upang makalikom ng dagdag na pondo sa pamamagitan ng mga donation box para sa mga magulang o mga estudyante na magbibigay ng kahit kaunting donasyon. Ang Pre-Brigada campaign ay isinagawa ng 2 araw (May 25-26 2016 8 am - 10 am) kasama ang mga guro, ang kanilang OIC na si Mrs. Mary Ann Dy , SSG officers at ang mga mag- aaral na boluntaryong nakiisa sa campaign. Sa Unang araw ng campaign ay nilibot nila ang brgy. Acacia at nakalikom ng 780 pesos at nang ikalawa o hulingaraw ng campaign ay nilibot nila ang brgy. Tugataog at nakalikom ng 1,070 na donasyon at natapos ang Pre-Brigada Campaign na may kabuuang 1,850.00 ang donasyon na nalikom na sya ring maidadagdag sa pondo para sa Brigada Eskwela.
Mayo 30, 2016 ang araw na sinimulan ang Brigada Eskwela sa TNHS - Acacia Annex. Sa ganap na 6:30 ngumaga sinimulan na ang Caravan o parada kung saan ay inkot nila ang brgy. Acacia at Brgy. Tugatog upang magsilbing hudyat na magsisimula na ang Brigada Eskwela sa kanilang paaralan.kasama sa parada ang mga guro at iba pang staff ng paaralan, SSG officers GPTA officers, mga mag aaral at mga magulang na makikiisa sa BrigadaEskwela. Nang matapos ang parada at nakabalik na ang lahat sa eskwelahan ay sa ganap na 8:00 ay sinimulan na ang OPENING PROGRAM na ang naging Master of Ceremonies ay si Bb. Ann Marie Uy. Nagsimula ang program sa pagkanta ng pambansang Awit sa pangunguna ni Ms. Marilou Robles at sinundan ng Mataimtim na panalangin sa pangunguna ni Mrs. Marigrace Deguzman at nagbigay ng paunang salita si Bb. Rochelle Illustrisimo ang Over-all Chairman ng Brigada Eskweka 2016. Isa rin sa mga nagsalita bilang Presidente ng SSG si Jessie M. Cobangbang at nagbigay ng closing remarks naman ang kanilang OIC na si Mrs.Mary Ann Dy.
Nang matapos ang program ay nagbigay na ng mga gawain para sa mga magulang at mag aaral gayun din sa mga GPTA officers ang target na malinis sa unang araw ng brigada. Nahati ang lahat at binigyan ng kanya kanyang gawain.Unang araw ng brigada ang target ay ang New Building. Nilinis ang bawat rooms,binatana,pader, hallways at mga hagdanan ng bawat floors at mga banyo ng new building. Unang pinabuhusan ang sahig ng bawat room ng third floor hanggang makaabot ng 1st floor. Sa Unang araw ng Brigada ay hindi gaano nalinis ang mga bintana. at kahit ang mga banyo ay narurumihan ulit.
Sa pangalawang araw naman ay muling nilinis ang new building ngunit kasabay nito ay pinalinis na rin ang old- building kasama ang Computer laboratory, Faculty CR at ang buong second floor kung saan nilinis ang hallways hagdan at mga silid-aralan at isinalansan ang mga gamit doon ng maayos.Ang canteen din ay nilinis, nagbuhos sa sahig at pinunasan ang mga istante.
Sa pangatlong araw naman ay nilinis na ang Clinic at Guidance muling binalikan ang pangalawang palapag sa Old building.
Sa ikaapat na araw ay inumpisahan na ang pag aayos ng mga BULLETIN BOARDS ng bawat rooms at sa bawat pader ng paaralan.
Sa ikalima at sa di inaasahan ay huling araw na ngBrigada Eskwela ay tinapos ng bawat mag aaral at guro ang mga Bulletin boards. Pagsapit ng ika-3 ng hapon ay nag umpisa na ang CLOSING Program na na ang nagsilbing Master of Ceremonies ay si Mrs. Prolet S. Simbajon, ang programa ay nagsimula sa isang panalangin sa pangunguna ni Bb. Jennifer T. Figueroa na sinundan ng paunang salita ang Co-chairman ng Btigada Eskwela na si Bb. Ann Marie Uy ,matapos ay nagpahayag ang Over-all Chairman ng Brigada Eskwela 2016 na si Bb. Rochelle Illustrisimo ng Accomplishment report na kung saan ay tinalakay ang nga nangyari sa limang araw ng BRIGADA ESKWELA, kasama na rito ang mga pondo at mga sponsor na kanilang nalikom. Pinaliwanag ng mabuti ni Mr. Rogene Rizare ang tungkol sa pinaggagastusan ng nasabing pondo at kung paano ito pinaikot sa buong Brigada Eskwela. Nagbigay din ng pasasalamat ang Presidente ng GPTA officers na si Mrs. Irma Gross at ang Presidente ng SSG na si Jessie M. Cobangbang,at sa pagtatapos ng programma ay nagbigay ng mensahe ang kanilang OIC na si Mrs. Mary Ann Dy. Matapos nito ay binigyan na ang bawat mag aaral at Angmga guro, SSG at mga GPTA officers ng mga Certificates na patunay na sila ay nakiisa sa isinagawang BRIGADA ESKWELA 2016.